Muling umarangkada ang “Klarex nga Serbisyo sa Baryo” sa Barangay Pagalungan sa pangunguna ni Mayor Klarex Uy, kasama ang mga opisyal at empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Cagayan de Oro nito lamang Hulyo 26, 2025.

Layunin ng programa na maihatid ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno direkta sa mga komunidad, lalo na sa mga lugar na higit na nangangailangan ng tulong.

Kabilang sa mga serbisyong ibinahagi sa mga residente ang medical consultation, libreng gupit, legal assistance, at pamamahagi ng mga ayuda.

Ang “Klarex nga Serbisyo sa Baryo” ay bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan upang palakasin ang koneksyon ng gobyerno sa mga mamamayan at matiyak na nararamdaman ang tunay na serbisyo publiko, saan mang sulok ng lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *