Nagsagawa ng isang araw na validation activity ang Department of Labor and Employment (DOLE) Zamboanga del Norte katuwang ang National Irrigation Administration – Zamboanga del Norte Regional Sub-Office para sa 50 farmer-beneficiaries ng La Libertad Communal Irrigation System sa Gutalac, Zamboanga del Norte nito lamang ika-29 ng Hulyo, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program at mayroong kabuuang pondo na ₱330,500.00.
Sa pamamagitan ng validation, tiniyak ng DOLE at NIA na tanging karapat-dapat at kwalipikadong benepisyaryo lamang ang makakatanggap ng tulong.
Ang pagtutulungang ito ng DOLE at NIA ay patunay ng pagtutok ng pamahalaan sa kapakanan ng mga residenteng bahagi ng rural communities lalo na sa pagbibigay ng inklusibong oportunidad sa trabaho at pagsuporta sa sektor ng agrikultura.
Layunin nitong magbigay ng emergency employment sa mga magsasakang kabilang sa marginalized sector at sa pamamagitan ng validation ay nasisigurong ang mga kwalipikadong mga benepisyaryo ay nakakatulong din sa pagsasaayos at pagpapanatili ng mga sistema ng irigasyon.

