Ibnilunsad ang Serbisyong Totoo Caravan ng pamahalaan ng Cotabato para sa mga residente bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng NTF-ELCAC na ginanap sa Barangay Maybula, Tulunan , South Cotabato nito lamang ika-7 ng Agosto 2025.

Nagbigay ang Cotabato PNP at Tulunan PNP ng assistance sa pamamagitan ng Women and Children Protection Desk at pagbibigay ng National Police Clearance sa mga nais kumuha nito.

Naging matagumpay ang ganitong programa sa pagtutulungan ng Provincial Government sa pamumuno ni Hon. Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza, Provincial Governor at ng lokal na pamahalaan ng Tulunan at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Ang Serbisyong Totoo Caravan ay naglalayong magbigay ng mga serbisyo sa mamamayan lalo na ang mga kababayan na nasa malalayong lugar at ipadama na ang pamahalaan ay naka-alalay tungo sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *