Matagumpay na isinagawa ang Mobile Blood Donation Activity na may temang “Every Blood Donor is a Life Saver” sa Brgy. Making, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-12 ng Agosto 2025.
Pinangunahan ng IPHO Maguindanao Mobile Blood Donation Team, LGU Parang, at RHU Parang katuwang ang Parang Municipal Police Station at mga Police Trainee ng “Bagsik Diwa” na naglalayong makalikom ng dugo upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan at magsilbing dagdag sa suplay ng mga ospital sa rehiyon.
Bahagi ito ng pagpapalaganap ng pangunahing pagpapahalaga ng PNP na “Makatao,” kung saan bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko, ang mga kapulisan ay handang magbigay ng sarili upang makapagligtas ng buhay sa pamamagitan ng kusang-loob na pagbibigay ng dugo.
