Sugatan sa nangyaring engkwentro ang dalawang pulis na miyembro ng 1203rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 12 sa ikinasang search warrant operation sa tahanan ng isang negosyante sa Purok Gumasak, Barangay Bulakanon, Makilala, Cotabato nito lamang madaling araw ng Huwebes, Agosto 14, 2025.
Kinilala ang dalawang sugatang pulis na sina Police Corporal Jayson A Jungco at Patrolman Christian A Neyra.
Napag-alaman na si PCpl Jungco ay kasalukuyang nagpapagamot sa Amas Provincial Hospital, Amas Kidapawan City habang si Patrolman Neyra ay nagtamo ng sugat sa kamay ay nasa maayos na ding kalagayan.
Nabatid na nagkaroon ng palitan ng putok matapos na naunang magpaputok ang dalawang security personnel laban sa kapulisan dahilan upang gumanti ang mga ito na dahilan ng pagkapaslang ng dalawa.
Patuloy ang PNP sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan laban sa anumang uri ng kriminalidad at iligal na aktibidad sa komunidad sa tulong at kooperasyon ng mamamayan.

