Namayagpag ang Musika ng Kabataan  sa idinaos na Sundown Sessions 2025 sa ilalim ng malamig at maaliwalas na gabi ng Agosto 14, 2025 sa Rotary Park, Tagum City, Davao del Norte.

Ang nasabing patimpalak ay naging makulay na bahagi ng Tagum City Youth Festival 2025, kung saan tampok ang talento at husay ng mga batang Tagumenyo sa iba’t ibang larangan.

Puno ng damdamin at dedikasyon ang bawat pagtatanghal, at lalong naging makulay ang gabi sa pag-angat ng mga natatanging banda na kinilala bilang Top 3 Finalists sa kompetisyon.

Kabilang sa mga ito ang mga grupong AOne Band na nakuha ang 1st Place, Juan Bagrass Band nakuha ang 2nd Place at Analyze Band na nakuhaman naman ang 3rd Place.

Ang Sundown Sessions ay hindi lamang simpleng kumpetisyon, kundi isang makabuluhang plataporma para sa kabataan upang maipahayag ang kanilang sarili at mapalakas ang kanilang kumpiyansa sa entablado.

Mula sa mga lyrics ng kanilang kanta hanggang sa paraan ng kanilang pagtugtog, malinaw ang mensahe ng kanilang pagkamalikhain at pagmamahal sa musika.

Sa likod ng tagumpay ng kaganapan ay ang patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan at komunidad sa mga programang nakatuon sa kabataan.

Ang ganitong mga aktibidad ay patunay na ang Tagum City ay nananatiling tahanan ng mga makabagong talento—mga kabataang may tinig, puso, at pangarap.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *