Nagdaos ng ika-84th na anibersaryo ng Hinugyaw Festival ang mga residente ng Koronadal City nito lamang ika-10 ng Enero hanggang ika-15 ng Enero, 2024.
Pinangunahan ni Honorable. Atty. Eliordo Bebot Ogena at Honorable Erlinda P. Araquil, ang aktibidad na dinaluhan din ni Honorable Reynaldo S. Tamayo Jr., kasama ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan, lokal at pambansang ahensya, pribado at pampublikong paaralan, ilang pribado at Non-Government Organizations, pati na rin ang mga sektor ng pagnenegosyo.
Ang Hinugyaw Festival ay isang makulay at masiglang pagdiriwang sa Koronadal City, South Cotabato. Ito ay nagpapakita ng kultura, kasaysayan at pagmamahal sa bayan kung saan ito ay taunang ipinagdiriwang ng lungsod ang anibersaryo ng kanilang pagkatatag at pambansang pista tuwing Enero.
Naging masaya ang pagdaraos ng pista dahil sa mga patimpalak. Isa na rito ay ang paligsahan sa Sayaw sa Kalye o Street Dancing at Drum and Lyre na nilahukan ng iba’t ibang paaralan mula sa South Cotabato.