Ipinagkaloob sa sampung mag-asawa ng Tribal Mass Wedding ng Indigenous Cultural Communities ng Higaonon, Bukidnon at Tigwahanon na ginanap sa Kaamulan Park Tulogan, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-12 ng Abril 2024.
Ang bendisyon sa mga nasabing mag-asawa ay pinangunahan ng solemnizing officers na sina Bai “Inatlawan” Adelina Tarino ng Bukidnon, Datu Crispino Linsagan at Datu Oliver Ananangkil ng Tigwahanon at Datu Rhufo Inanod ng Higaonon.
Tampok din sa seremonya ang panalangin sa pamamagitan ng ritwal na paghahain ng mga manok, baboy at ang iba na sumisimbolo sa kabanalan ng panata ng mag-asawa.
Naging saksi sa seremonya ang mga tauhan ng National Commission on Indigenous People (NCIP) Bukidnon, mga Datu at Bai galing sa iba’t ibang tribu, municipal at city IPMRs at mga ninong at ninang ng mga kinasal.
Kasabay ng nasabing aktibidad ang pagdiriwang ng Kaamulan 2024 na ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bukidnon sa pamamagitan ng PGO-Indigenous Affairs Division kasama ang Malaybalay City Local Civil Registry Office.