Umarangkada ang Tabang sa Huyang Program ng Lokal na Pamahalaan ng Isabela de Basilan na naglalayong suportahan ang mga nakatatanda na may sakit, bedridden, inabandona, o mga nakararanas ng matinding hirap sa buhay noong Agosto 25,2025.
Pinamunuan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) katuwang ang mga lokal na opisyal at senior citizen group leaders ang isinagawang outreach mission sa barangay ng Sumagdang at San Rafael sa naturang lungsod.
Ang 11 senior citizen mula sa mga nasabing barangay ay nakatanggap ng pinansyal na tulong at essential food packs ay tinukoy sa pamamagitan ng mga isinagawang home visit at masusing assessment.
Ilan sa mga benepisyaryo ay may malubhang karamdaman, nakaratay sa higaan, habang ang ilan sa mga ito ay nabubuhay na lamang nang mag-isa o iilan lang ang kamag-anak na nagbibigay ng suporta.
Ang Tabang sa Huyang Program ay isa sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan para tiyakin na walang mga miyembro ng vulnerable sektor tulad ng mga senior citizen ang napag-iiwanan sa komunidad.

