Idinaos ang Higalaay Mega Job Fair 2025 sa University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) Gymnasium mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon noong Agosto 26, 2025.

Pinangunahan ito ng Public Employment Service Office (PESO) – Cagayan de Oro upang bigyang pagkakataon ang mga mamamayan na naghahanap ng trabaho na makapagsumite ng aplikasyon at makapanayam mismo ang iba’t ibang kompanya at ahensya.

Kaugnay ito sa pagdiriwang ng kapistahan ni Señor San Agustin, kung saan hindi lamang kasiyahan at mga kultural na aktibidad ang inihanda ng Higalaay Festival Committee sa pamumuno ni City Mayor Rolando “Klarex” Uy, kundi maging mga oportunidad sa trabaho para sa mga job seekers.

Ang nasabing job fair ay isinakatuparan sa pamamagitan ng suporta ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng PESO–CDO, katuwang ang USTP, Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Migrant Workers (DMW).

Layunin ng aktibidad na ito na mapalapit ang mga oportunidad sa hanapbuhay para sa mga residente ng lungsod at kalapit na lugar, at makatulong na mabawasan ang unemployment sa rehiyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *