Daan-daang katao ang masayang lumahok sa taunang religious at fluvial procession bilang bahagi ng Kapistahan ni Señor San Agustin at Higalaay Festival 2025 noong Agosto 28, 2025 mula Barangay Macabalan at Sitio Cala-Cala sa Brgy Macasandig, Cagayan de Oro CIty.
Sabay na naglayag ang mahigit 50 pump boats at iba pang sasakyang-pandagat patungo sa Duaw Park at St. Augustine Metropolitan Cathedral.
Kabilang sa mga nagdala ng kani-kanilang imahen nina Santa Monica, Señor San Agustin at Birhen sa Kota ang iba’t ibang religious organizations, national agencies, lokal na pamahalaan, business sector, civic groups, media, vloggers, at Miss CDO 2025 pageant winners. B
ilang pagpapatibay sa kabanalan ng pagdiriwang, hindi isinagawa bilang paligsahan ang fluvial procession ngayong taon.
Nagpasalamat si Mayor Rolando “Klarex” Uy, sa lahat ng ahensya at organisasyon gaya ng Philippine Coast Guard, Task Force Oro, Oro Rescue, PNP at MARINA sa kanilang suporta upang maging ligtas at maayos ang prusisyon.
Layunin nito na magbigay ng pagkakataon sa iba’t ibang sektor ng lipunan mula sa pamahalaan, simbahan, negosyo, at media na magkaisa sa isang makabuluhang pagdiriwang.
