Matagumpay na isinagawa ang Oplan Bisita sa mga matatanda at may sakit sa Barangay Kalilangan, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang Agosto 27, 2025.

Ang mga benepisyaryo ay binigyan ng libreng check-up ng doktor mula sa City Health Office.

Ang apat na benepisyaryo ay may mga karamdaman tulad ng tuberculosis, problema sa paningin, hika, at mild stroke.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng libreng gamot, 10 kilo ng bigas, at mga gamit sa bahay.

Ang Oplan Bisita ay naglalayong magbigay ng serbisyong medikal sa mga hindi kayang magpa-check-up sa doktor at maabutan ang mga nangangailangan ng tulong medikal.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *