Natagpuang duguan at wala ng buhay ang isang lalaki sa loob ng isang bakanteng nitso sa Malagapas Cemetery, Dump Site, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City nito lamang ika-29 ng Agosto 2025.
Kinilala ang biktima na si Blah Anok Sanib, 62-anyos, caretaker ng naturang sementeryo.
Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Station 2, natagpuan ang bangkay ng lalaki na nakahandusay sa loob mismo ng nitso.
Natatakpan ng mga dahon ng saging, may mga sugat sa kanyang mukha at ulo na sanhi ng pagtama ng matigas na bagay, na siyang naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Dagdag pa ng PNP, ninakawan pa umano ng alagang hayop ang biktima bago pinatay..
Samantala, patuloy ang masusing imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa likod ng krimen.