Lumahok ang mahigit 1,000 kabataang Kagay-anon sa 2025 Global Youth Summit na ginanap noong Agosto 29, 2025 sa SM CDO Downtown Event Hall, Cagayan de Oro City.
Ang nasabing pagtitipon ay inorganisa ng Global Peace Foundation at SM Cares, katuwang ang Oro Youth Development Office ng City Hall. Dumalo rin sa summit sina Bise Alkalde Jocelyn Rodriguez, SK Federation President Kenneth John Sacala, at OYDO Officer-in-Charge Lord Saver Centina.
Tinalakay sa okasyon ang mahahalagang isyu tulad ng de-kalidad na edukasyon, trabaho at pag-unlad ng ekonomiya, kapayapaan, katarungan, at pagpapalakas ng mga institusyong panlipunan.
Bilang pinakamalaking pagtitipon ng kabataan sa bansa, layunin ng Global Youth Summit na hikayatin at bigyang-kapangyarihan ang kabataan upang maging mga lider at makapag-ambag sa makabuluhang pagbabago para sa kinabukasan.

