Isinagwa ang Anti-Bullying Dialogue na layong magbigay kaalaman at paalala sa mga batang mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng respeto at pag-iwas sa pang-aapi nito lamang Setyembre 4, 2025 ganap na 9:00 ng umaga sa Dapitan City SPED Center, Dapitan City, Zamboanga del Norte.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Dapitan City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Eva Joy E Capurcos, Acting Chief of Police.


Bukod sa pagpapakita ng suporta at malasakit sa pamamagitan ng pagturo at pagbisita, namahagi rin ng maliit na token ang kapulisan sa mga bata, na nagdulot ng ngiti at dagdag na inspirasyon sa kanilang murang isipan.


Ang ganitong mga programa ay patunay ng aktibong pakikilahok ng pulisya sa pagbibigay proteksyon at paggabay sa kabataan upang maging ligtas, masaya, at makabuluhan ang kanilang pag-aaral.

