Top 5 Most Wanted Person sa Davao Region, nasakote sa 6 Counts of Rape
Nasakote ang tinaguriang Top 5 Most Wanted Person sa Davao Region sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Setyembre 5, 2025 sa Apokon Road, Tagum City, Davao del Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Nicolas”, 59 anyos.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 6 Counts of Rape na walang inirekomendang piyansa.
Solido ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.