Dinaluhan ng mahigit 7,900 runners mula sa iba’t ibang lugar sa Davao Region ang isinagawang 1st National Milo Marathon sa Tagum City, Davao del Norte nito lamang Setyembre 7, 2025.
Sa unang pagkakataon, napabilang ang Tagum sa prestihiyosong listahan ng mga host city.
Ang mga kalahok ay sumabak sa iba’t ibang kategorya: 42K, 21K, 10K, 5K, at 3K.


Sinimulan ang karera sa City Hall Complex, at umikot sa mga pangunahing kalsada ng Apokon, Magdum, Canocotan, at San Miguel, na nagbigay-daan para masilayan ang sigla at suporta ng buong komunidad.
Sa kabuuan, ang unang edisyon ng National Milo Marathon sa Tagum ay naging isang malaking tagumpay, na hindi lamang nagbigay ng pagkakataon sa mga runners na ipamalas ang kanilang husay, kundi nagpatibay rin sa pagkakaisa ng buong komunidad sa layuning isulong ang kalusugan, disiplina, at sportsmanship.