Nasakote ang isang noturyos na kriminal sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa kasong Statutory Rape sa Brgy Biu-Os, Vicenzo Sagun, Zamboanga del Sur nito lamang Setyembre 7, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jay”, 26 anyos, walang asawa, at residente ng Purok Matinabangon, Brgy. Brgy Biu-Os, Vicenzo Sagun Zamboanga del Sur.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Solido ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *