Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) Region IX ang Gulayan sa Bayan (GSB) sa munisipalidad ng Ipil sa Zamboanga Sibugay bilang bahagi ng simultaneous launching ng nasabing proyekto sa iba’t ibang parte ng bansa nito lamang ika-5 ng Agosto 2025.
Kabilang sa nakilahok sa launching ng GSB ang tinatawag na Core Group na binubuo ng mga kababaihan, kabataan, at senior citizens, kasama ang mga municipal agriculturist at agricultural extension workers.


Nakasaad sa kasunduang nilagdaan sa pagitan ng Core Group Leader, DA IX, at alkalde ng munisipalidad ang mga responsibilidad at gawain ng Core Group at ng pamahalaang lokal para matiyak ang sustainability ng nasabing programa sa naturang bayan.
Ang GSB ay isang panibagong programa sa ilalim ng DA – High Value Crops Development Program (HVCDP) na naglalayong matugunan ang malnutrisyon at masiguro ang sapat na supply at produksyon ng pagkain sa mga komunidad.