Matagumpay na isinagawa ang Tree Growing Activity sa Purok Buluan, Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato nito lamang Septyembre 6, 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng lokal na komunidad, barangay officials, at iba’t ibang ahensya at organisasyon tulad ng Polomolok Municipal Police Station, BFP, 38th IB Bravo Company ng Philippine Army, Philippine Coast Guard at PCGA, Philippine Army Reservists, FORD General Santos, DepEd Guaza Elementary School, MENRE/Bantay Gubat, IPMR Hon. Jerome Ante, iba’t ibang opisina ng LGU, at ang Municipal Administrator na si Joven Ryan Malida.
Ang aktibidad na ito ay bahagi na bigyang prayoridad ang mga programang pangkalikasan sa bawat League of Municipalities of the Philippines (LMP) Partnership Day na gawain.

Kaugnay din ito ng kanyang flagship program na “One Million Trees Project” na layong paigtingin ang reforestation at pangangalaga sa kalikasan sa buong bayan.
Isinagawa ang pagtatanim sa kahabaan ng PRDP Farm-to-Market Road Loop sa Barangay Landan na mahalaga para sa mga magsasaka.
Binigyang-diin ni Mayor Palencia, ang pagtutugma ng imprastruktura at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng roadside planting at iba pang hakbang.
Kabuuang 100 punla ng niyog, 80 punla ng Nabol at Narra, at 100 punla ng kawayan mula sa Mahintana Foundation, Inc. ang naitanim.
Lubos ang pasasalamat sa kanilang donasyon na nakatuon sa rehabilitasyon ng mga riparian area.
Ang nasabing aktibidad ay nagpatunay ng matagumpay na pagtutulungan ng iba’t ibang sektor tungo sa pangangalaga ng kalikasan at pangmatagalang kaunlaran ng komunidad.

