Sumailalim sa Dressmaking Training ang mga miyembro ng Indigenous People Isabela Women’s Association (IPIWA) sa ilalim ng HAPISABIDA Livelihood/Employment Pathway Program ng Isabela de Basilan noong ika-4 ng Setyembre 2025.
Ang nasabing inisyatiba na nagsimula noong Agosto 25 hanggang Agosto 29 ay bahagi ng Gender and Development (GAD) Livelihood and Technical Training Program.

Isinagawa ito ng Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region IX.
Kabilang sa mga kaalaman na ibinahagi sa mga partisipante ang mga pangunahing kasanayan at mahahalagang elemento sa pananahi, at mga bahagi ng sewing machine at ibang pang mga kasangkapan at kagamitan.

Layunin ng aktibidad na magsilbing pundasyon ang pagsasanay para masimulan ng mga nakilahok na kababaihan ang kanilang interes at pagnenegosyo sa pananahi.

