Ipinagdiriwang ang Grand Mawludun Nabi 2025 ngayong umaga ng Sabado, Setyembre 6, 2025 sa Notre Dame Gymnasium, Martirez St., Jolo, Sulu.
Ito ay pinangunahan ng Sabiel Al-Mohtadeen Foundation Inc., Sulu. at nakiisa ang iba’t ibang Madrasa, radio club at iba pang organisasyon.


Ayon kay Ustadz Frazier Kalayakan, Amir ng SMFI, aabot sa 2,000 murid ang inaasahan na lalahok sa naturang selebrasyon.
Sa umaga, isasagawa ang Salawatan Intermission habang sa hapon naman ang pagbasa sa kwento at makasaysayang araw ng kapanganakan ni Propeta Muhammad.

