Nagpakitang gilas ang mga student-barista mula sa iba’t ibang paaralan hindi lamang sa Tagum City kundi pati na rin sa kalapit na lugar sa ginanap na Durian Coffee at Coffee Shop Series competition noong Setyembre 14, 2025 bilang bahagi ng mas malawakang pagdiriwang ng Durian Festival sa lungsod.
Lumaban sa paligsahan ang mga eskwelahan tulad ng DMMA College of Southern Philippines, Mindtechs Institute of Technology, Carlos P. Garcia Senior High School, UM Tagum College, Gabriel Taborin College of Davao Foundation, La Filipina National High School, at Tagum National Trade School.


Ang mga bagong henerasyon ng mga barista na handang itaguyod ang kultura ng kape at durian sa kanilang mga komunidad na sa bawat hagod ng kape at bawat ngiti sa pagserbisyo, napatunayan na ang kape at durian ay hindi lang basta pinaghalo—isa itong obra maestra ng lasa.
Sumasalamin ang kompetisyon na ito sa pag-asa, talento, at pagkakaisa ng mga kabataang Pilipino na patuloy na nagbibigay buhay at kulay sa kultura at tradisyon ng kanilang bayan.
