Direktang nag-abot ng tulong ang Cagayan de Oro City Social Welfare and Development Department sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay 17, Cagayan de Oro City nito lamang Oktubre 2, 2025.
Ang bawat apektadong pamilya ay tumanggap ng kitchen utensils, hygiene kits, mosquitero, kaldero at sleeping linens mula sa CSWD sa pangunguna ni CSWD Officer Annie Tongson.


Bukod dito, iba’t ibang grupo at pribadong indibidwal din ang nag-abot ng tulong gaya ng food packs, tubig, used clothing at iba pa. Nakiisa rin ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department sa paghatid ng tulong at paghakot ng mga gamit.
Batay sa inisyal na datos ng CSWD, nasa 211 pamilya ang apektado ng nasabing sunog.
Layunin ng pamamahagi ng ayuda na maibsan ang hirap na dinaranas ng mga biktima ng trahedya.