Umarangkada ang “Batakang Serbisyo” na ipinagkaloob ni Mayor Klarex Uy, na naghatid ng iba’t ibang serbisyo mula sa City Government of Cagayan de Oro sa pamamagitan ng programang Klarex nga Serbisyo sa Baryo sa mga residente ng Barangay Dansolihon ng naturang lungsod noong Oktubre 4, 2025.

Namahagi ang Philippine Statistics Authority (PSA-10) ng humigit-kumulang 100 birth certificates, habang 399 PhilHealth Member Data Records (MDRs) naman ang ipinagkaloob ng Local Health Insurance Office.

Bukod dito, 409 residente ang nakinabang sa mga serbisyong inihatid ng City Health Insurance Office, at 55 sa nito ang nabigyan ng dental services mula sa City Health Office.

Nagkaloob din ang JR Borja General Hospital ng libreng tuli para sa 11 bata, eye-care services para sa 45 indibidwal, at ENT services (ear, nose, at throat) para sa 28 pasyente.

Layunin ng aktibidad na maihatid ang mabilis, direkta, at de-kalidad na serbisyo publiko sa mga barangay, bilang bahagi ng adbokasiya ni Mayor Uy na “Serbisyong Naay Kasingkasing.”

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *