Matagumpay na isinagawa ng “Tabang Kauban Team” na pinangungunahan ng City Mayor’s Office ang relief operations para sa mga biktima ng sunog sa Barangay 17, Cagayan de Oro City at mga naapektuhan ng lindol sa Bogo, Cebu nito lamang ika-5 ng Oktubre 2026.
Bukas ang “Tabang Kauban Relief Operations Tent” hanggang 8:00 ng gabi at nagpatuloy ang operasyon hanggang Miyerkules, 8:00 ng gabi, upang tumanggap at mamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Layunin ng nasabing operasyon na maihatid agad ang tulong at maibsan ang hirap na dinanas ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng relief operations ay patunay ng malasakit at pagkakaisa ng pamahalaang lungsod sa mga mamamayan na nangangailangan ng agarang tulong.
