Mahigit P130,000 halaga ng abono at binhi ang ipinamahagi sa tatlong samahan ng mga magsasaka sa lungsod ng Tagum nito lamang Oktubre 6, 2025 sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Tagum City Hall, Tagum City, Davao del Norte.

Pinangunahan ni Mayor Rey T. Uy, ang distribusyon ng mga agricultural inputs sa ilalim ng High Value Commercial Crops Development Program, na pinondohan ng Lokal na Pamahalaan upang suportahan ang sektor ng agrikultura sa lungsod.

Layunin ng programa na mapabuti ang ani at kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na abono at binhi.

Ang mga benepisyaryong asosasyon ay kinabibilangan ng Apokon Banana Farmers’ Association, Purok Bayanihan Pagsabangan Vegetable Farmers’ Association, at Apokon Vegetable Farmers’ Association.

Ang mga samahang ito ay aktibong kalahok sa mga programang pang-agrikultura ng lokal na pamahalaan.

Kasabay ng pamamahagi ng abono at binhi, pinangunahan din ni Mayor Uy, ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng nabanggit na mga asosasyon.

Isa ito sa mga hakbang upang mapanatili ang maayos na pamamalakad sa mga samahan at masiguro ang tamang paggamit ng mga natanggap na ayuda.

Inaasahan ng pamahalaang lungsod na sa pamamagitan ng tulong na ito, mas mapapalakas ang produksyon sa sektor ng agrikultura sa Tagum at matutulungan ang mga magsasaka na harapin ang hamon ng makabagong panahon sa agrikultura.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *