Isinagawa ang Pink Walk 2025 nito lamang Oktubre 6, 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pink October: Breast Cancer Awareness Month sa Davao City.
Ang Pink Walk na pinangasiwaan ng Rotary Club of Davao, ay nilahukan ng iba’t ibang sektor kabilang ang lokal na pamahalaan, mga Non-Government Organizations (NGOs), at iba pang ahensya ng gobyerno.
Nagsimula ang mapayapang lakad sa Roxas Avenue at nagtapos sa makasaysayang Rizal Park ng naturang lungsod.


Hindi lamang simpleng presensya ang ipinamalas ng mga miyembro ng Davao City PNP, kundi ang taos-pusong pakikiisa sa adbokasiya ng pagbibigay-kaalaman, suporta, at pagkalinga sa mga kababaihang patuloy na lumalaban sa breast cancer.
Sa kanilang pakikiisa sa Pink Walk, ipinakita ng kapulisan na handang maglingkod hindi lang sa usapin ng seguridad at batas, kundi pati na rin sa mga isyung panlipunan at pangkalusugan na may malaking epekto sa mga mamamayan