Buo ang naging pagsuporta ng mga Sultan Kudarateño sa isinagawang 2-Day Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na ginanap sa Capitol Sports Complex, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang ika-25 ng Pebrero 2024.

Pinangunahan ni House Speaker Representative Ferdinand Martin Romualdez ang nasabing aktibidad sa ilalim ng programa ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. katuwang ang National and Local Government Official at Isulan PNP.

Tampok sa nasabing aktibidad ang isinagawang 329 na iba’t ibang programa at serbisyo publiko, ganundin ang pamamahagi ng cash assistance at bigas sa humigit kumulang 28,000 na benepisyaryo.

Sa kabuuan, nagkakahalaga ng Php1.2 Bilyon ang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa ginanap na aktibidad.

Layunin ng programa ni Pangulong Ferdinand “Bongong” Marcos Jr. na Bagong Pilipinas na matugunan ang mga lalawigan na nangangailangan ng tulong pinansyal at suporta sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, pagtutulungan at nagkakaisang hangarin na umunlad ang bansang Pilipinas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *