Matapang na pinatutsadahan ni National Youth Commission Chairman, Ronald Cardema ang ilang mga kongresistang hayagang nai-uugnay sa rebeldeng grupo ng CPP-NPA-NDF sa isa nitong pahayag sa debate sa kongreso kamakailan lamang.

Ayon kay Cardema, kasama umano mismo sa letrato ng napatay na NPA sa Laguna na isa ring lider ng Kabataan Partylist sa UP Los Baños ang kongresista ng Kabataan Partylist. Isang patunay lamang na may kaugnayan ang naturang partylist sa komunista at rebeldeng grupo.

Kabilang din sa pinatutsadahan ni Cardema ang kongresista ng Bayan Muna Partylist, kung saan isinawalat nito na kasama rin ang bunsok anak ng naturang kongresista sa mga nasawing rebeldeng NPA sa isa sa mga  naganap na encounter sa pagitan ng mga rebelde at ng pamahalaan.

Nag-ugat ang kanyang patutsada, sa paulit-ulit na pagharang ng nabanggit na mga kongresista sa pondo na para sana sa National Youth Commission at sa mga proyekto nito para sa mga kabataang Pilipino.

Dagdag pa ni Cardema sa mga kongresista na hindi pwedeng sabihin na academic freedom ang pagsali ng mga kabataan sa rebeldeng samahan ng CPP-NPA-NDF. Aniya: “Being an NPA, being a terrorist: training the youth, recruiting the youth to become violent extremists is not part of the academic freedom.”

Sa kabilang banda, nilinaw naman ng ama ni Hannah Jay Cesista, ang nasawing NPA sa isang engkwentro sa Bohol nito lamang February 23, 2024, na wala siyang anumang sama ng loob sa pamahalaan bagkus galit sa teroristang grupo ang kanyang naramdaman sa maagang pagkasawi ng kanyang pinakamamahal na anak. Aniya, marami pa sanang magagawa ang kanyang anak na umano’y kakapasa pa lamang ng BAR Exam noong 2023 kung hindi lamang narecruit at nalinlang sa naturang rebeldeng grupo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *