Isinuko ang iba’t ibang uri ng armas ng mga residenteng mula sa bayan ng Radjah Buayan, Mamasapano, Shariff Aguak at Barongis Maguindanao del Sur na idinaos sa Rajah Buayan Maguindanao del Sur nito lamang Oktubre 9, 2025.

Nabatid na ang mga isinuko na armas ay isasailalim sa ” Demilitarization” upang ito ay hindi na mapapakinabangan pa.

Hinihikayat naman ng PNP ang iba pang mga residente na may hawak na loose firearms na isuko upang hindi magamit sa anumang uri ng karahasan at makiisa sa isinusulong ng pamahalaan na pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Bangsamoro.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *