Yumanig ang malakas na lindol sa iba’t ibang parte ng Davao Region nito lamang umaga ng Biyernes, Oktubre 10, 2025.

Agad na naglunsad ng mga hakbang ang pamahalaang lungsod ng Davao upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan. Ayon sa ulat mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), agad na ipinadala sa mga apektadong lugar ang mga emergency response teams, kabilang ang CDRRMO, City Health Office (CHO), City Engineer’s Office (CEO), at Office of the City Building Official (OCBO).

Isinagawa ang mabilisang assessment sa mga istruktura at tumulong sa mga residenteng nangangailangan.

Patuloy ring mino-monitor ng CDRRMO ang mga baybaying-dagat at nakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno bilang paghahanda sa posibleng mga aftershock.

Nakaantabay rin ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa posibleng relief operations kung kakailanganin.

Sa kabutihang palad, hanggang sa huling ulat ngayong 12:00 ng tanghali, na makikita rin sa Face page ng City Government of Davao, wala pang naitatalang kumpirmadong nasawi sa lungsod na may kaugnayan sa lindol.

Ang pamahalaang lungsod ay patuloy na magbabantay sa sitwasyon at agad na maglalabas ng mga karagdagang abiso kung kinakailangan.

sHinihikayat ang publiko na manatiling kalmado, maging mapagmatyag, at sundin ang mga opisyal na pahayag mula sa lokal na pamahalaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *