Namahagi ng Fuel Subsidy Card ang Department of Agriculture sa mahigit 1,200 na mga magsasaka sa bayan ng Madrid, Surigao del Sur nito lamang ika-13 ng Oktubre 2025.
Pinangunahan ni Engr. Medylyn Alaan ng DA Caraga, kasama ang mga kawani ng RSBSA at ang lokal na pamahalaan ng Madrid sa pamumuno ni Municipal Mayor Juan Paolo Lopez, ang matagumpay na distribusyon ng nasabing mga card.


Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱3,000.00 na subsidiya sa pamamagitan ng isang card na maaaring gamitin sa pagbili ng gasolina para sa kanilang mga makinaryang pansakahan.
Kwalipikadong makatanggap ng naturang ayuda ang mga rehistradong magsasaka sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na aktibong gumagamit ng makinaryang pansakahan.
Ang Fuel Discount Program ng DA ay inilunsad upang matulungan ang mga magsasaka na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.