Narekober ang isang high explosive device sa Cabangahan Creek, Purok-5, Barangay Cabangahan, Malaybalay City, Bukidnon bandang 11:00 ng umaga nito lamang Nobyembre 22, 2025.
Ayon sa Malaybalay City Police Station, nakatanggap ng ulat mula sa isang Barangay Tanod habang pinapastol ang kanyang alagang baka nang aksidenteng nadiskubre ang naturang explosive device.

Agad naman nagsagawa ng preventive measures ang mga tauhan ng Bukidnon Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Group at patuloy ang PNP sa pagpapa-alala sa mamamayan na maging mapagmatyag at i-report sa kinauukulan ang mga kahina-hinalang bagay upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa pamayanan.
Photos by: XFM Bukidnon