Nasabat ang tinatayang mahigit P174 milyong halaga ng puslit na yosi at tiklo ang 35 indibidwal sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Nobyembre 13-17, 2025 sa Sulu.
Napag-alaman na naharang ang limang bangkang-de-motor na naglalaman ng 2,874 master cases ng iba’t ibang puslit na yosi sa baybaying bahagi ng Banguingui, Jolo, Lahus at Tapul.
Kasong paglabag sa Section 1401 o Unlawful Importation or Exportation ng Republic Act 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang kakaharapin ng mga suspek.
Patuloy sa pagsugpo sa iligal na aktibidad at smuggling ang PNP at Philippine Navy tungo sa isang payapa at maunlad na bansa.