Sumuko ang dalawang aktibong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters Karialan Faction sa Maguindanao del Norte nito lamang Lunes, Nobyembre 24, 2025.

Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay ang pagsuko ng kanilang matataas na calibre ng mga armas, pampasabog at magazine.

Tumanggap ang mga sumuko ng Financial assistance, at bigas mula sa LGU ng Maguindanao del Norte na si Gov. Datu Tucao Mastura kasama si Sultan Kudarat, Mayor Datu Shameem Mastura.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni Police Colonel Victor Rito, Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office.

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa lahat ng miyembro at tagasuporta ng teroristang grupo na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *