Narekober ang tinatayang P1.5 milyong halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nito lamang gabi ng Nobyembre 24, 2025 sa Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte.

Kinilala ang apat na suspek na sina alyas “Mark”, “Fhadzri”, “Laila” at “Verhama”.

Nabatid na naharang ang dalawang sasakyan sa checkpoint ng PNP at nadiskubre ang mga kahon-kahong puslit na yosi na umaabot sa humigit-kumulang P1.5 milyon.

Patuloy sa pagsugpo sa smuggling ang PNP tungo sa isang payapa at maunlad na bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *