Nasakote ang Top 10 Most Wanted Person ng Northern Mindanao sa kasong 2 Counts of Rape sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Purok 5, Barangay Halapitan, San Fernando, Bukidnon bandang 1:40 ng hapon nito lamang Lunes, Nobyembre 24, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Brian” 59 anyos, may-asawa at residente ng Barangay Kisanday, Maramag, Bukidnon.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape (2 counts) sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang Bukidnon PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas upang masiguro ang kaayusan at katahimikan sa pamayanan.

Source: Regional Mobile Force Battalion 10

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *