Patay ang pitong indibidwal kabilang na ang kumander ng Moro Islamic Liberation Front sa nangyaring barilan nito lamang madaling araw ng Lunes, Nobyembre 24, 2025 sa Barangay Malinan, Kidapawan City.
Kinilala ang mga namatay na si Kumander Salindato Edris Langalen; mga kasama nito na sina Sammy Baraguir, Marudin Baraguir, Nasrudin Baraguir, Nasrudin Amelil, Mohaimen Amelil, at Mastura Edris Kusain.
Nabatid na ang pinagmulan ng alitan ay patungkol sa anggulong away sa lupa na mahigit kumulang 150-hektarya.
Agad namang inilibing ang mga labi ng mga biktima alinsunod sa paniniwalang Islam.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Cotabato Police Provincial Office at nanawagan sa mamamayan na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan sa mga nakakita ng insidente upang mas mapabilis na malutas at mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mga pamilyang naiwan nito.