Patay ang isang kapitan ng Tres de Mayo, Digos City, Davao del Sur nang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagla-live sa kanyang Facebook page nito lamang gabi ng Martes, Nobyembre 25, 2025.

Kinilala ang biktima na si Kapitan Oscar Dodong Bucol.

Kita sa live ng naturang kapitan ang paghingi nito ng tulong matapos itong pinagbabaril.

Samantala, kinondena ng Digos City PNP ang brutal na pagpaslang at patuloy ang malalim na imbestigasyon upang malaman ang motibo at managot ang nasa likod ng krimen.

📸: KAP. OSCAR “Dodong” BUCOL Jr | Facebook

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *