Tiklo ang isang babae na nagpanggap na isang pulis at abogado sa Delta Bridge, Cotabato City nito lamang Nobyembre 26, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Sheehan”, 31 anyos, negosyante mula Malabang, Lanao del Sur.

Nabatid na nagpakilala ang suspek na nakatalaga sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at naharang sa isinagawang checkpoint operation ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Esmael Madin.

Narekober ang isang pekeng tseke na nagkakahalaga ng P495,000.00 at Toyota Vios na may Plate Number NDA 8227.

Nagbabala naman ang Datu Odin Sinsuat PNP sa mga sibilyan na hindi otorisado at labag sa batas ang pagsuot ng mga uniporme ng PNP at militar at may kaukulang parusa ang sinumang lalabag nito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *