Patay ang isang pulis sa entrapment operation matapos manlaban ang target sa operasyon at pinagbabaril ang pulis sa Hadji Mohammad Ajul, Basilan nito lamang Martes, Nobyembre 25, 2025.

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Chief Master Sergeant Jilhem Elmen.

Kilala ito bilang isang mabait at Police-Community Relations (PCR) man, na minamahal ng mamayan dahil tapat sa kanyang tungkulin at matulungin.

Nabatid na natunugan ng suspek na isang alagad ng batas ang kanyang ka-transaksyon kaya agad itong bumunot at binaril ang biktima.

Agad namang inilibing ang labi ni PCMS Elmen sa isang barangay sa Maluso, isa sa 11 na mga bayan sa Basilan, ayon sa tradisyon ng mga Muslim na dapat mailibing ang patay sa loob lang ng 24 oras.

Samantala, kinondena ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang pagpaslang kay PCMs Elmen at nanawagan ng kooperasyon ng mamamayan upang mabilis matunton ang kinaroonan ng nakatakas na mga suspek at pagbayaran ang nagawang kasalan sa batas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *