Nakatanggap ng tulong financial ang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Amas, Kidapawan City nito lamang ika-25 ng Marso 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Sen. Imee Marcos kung saan nasa 3,000 mag-aaral mula sa bayan ng Carmen at Kabacan ang naging mga benepisyaryo dito.
Nakatanggap ng tig-2,000 na ayuda na may kabuuang halaga na abot sa Php6,000,000 ang bawat benepisyaryo mula sa DSWD sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na pinondohan ng nasabing tanggapan.
Ang pagbibigay tulong pinansyal sa mga kabataan ay naglalayong makatulong sa kanilang pag-aaral at alinsunod na rin sa hangarin ng administrasyon na mabigyan ng pagpapahalaga ang edukasyon ng mga kabataang Pilipino.