Nagbahagi ng Ramadhan Rice Assistance ang pamahalaang lalawigan ng Cotabato sa Amas, Kidapawan City, North Cotabato nito lamang ika-8 ng Abril 2024.
Nabiyayaan ng tulong ang 15,521 na indibidwal sa kanilang pagdiriwang ng Ramadhan na isang mahalagang kaganapang panrelihiyon para sa mananampalataya ng Islam.
Mula sa naturang bilang, 14,970 benepisyaryo ay mga Moro leaders at mga ina kung saan sila ay nakatanggap ng tig-sampung (10) kilong bigas. Samantalang tig-limampung (50) kilong bigas naman ang natanggap ng 551 na indibidwal mula sa identified moro stakeholders, Imams/Uztads at Provincial Moro Advisory Council (PMAC) members.
Sa pamamagitan ng programang ito, nais matiyak ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na makatulong sa mga mamamayan lalo na sa espesyal na araw ng Ramadhan.