Tumanggap ng tulong pinansyal ang mga residente ng Datu Odin Sinsuat MDN mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ginanap sa Municipal Covered Court Poblacion 2 Maguindanao del Norte noong ika-8 ng Abril 2024.

Naisakatuparan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS Program sa inisyatibo ni Mayor Lester Sinsuat na pinondohan ni Pagulong Marcos.

Pinangasiwaan naman ng mga tauhan ng DSWD 12 ang payout cash assistance na nag-iwan ng saya sa mga residente.

Laking pasasalamat naman ng mga residente kay Pangulong Marcos sa pagbibigay tugon sa kanilang mga pangangailangan at walang sawang pagbibigay ng tulong sa kagaya nilang lubos na nangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *