Isinagawa ang coordination meeting and project orientation tungkol sa pagpapahusay at pagpapanatili ng Peace and Security Mechanism sa BARMM na ginanap sa Tian’s Hituan sa Nuro, Barangay Nuro, Upi, Maguindanao del Norte nito lamang ika-17 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ng tanggapan ng IOM UN Migration ang naturang aktibidad na may koordinasyon sa Nonviolent Peace Force at pakikiisa ng mga tauhan ng JPST, Arm Force of the Philippines at mga personahe ng South Upi Municipal Police Station.

Ibinida sa pagpupulong ang kampanya laban sa Anti-Illegal Drugs, Pagsasagawa ng Batas, Anti-terrorism, Anti-kriminalidad, Kapayapaan at Kaayusan sa Barangay, Barangay Drug Clearing at future plans and program.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong magkaisa at magtulungan ang mga mamamayan katuwang ang iba pang mga lokal na pamahalaan at Pulisya sa pagtataguyod ng maayos, maunlad at mapayapang pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *