Ipinagdiriwang ng ating mga kapatid na Muslim ang banal na araw na Eid’l Adha kung tawagin nito lamang ika-16 ng Hunyo 2024.

Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo bilang pagkilala sa banal na gawain ni Ibrahim na naghandog ng kanyang anak na si Ismael nang utusan siya ni Allah sa kanyang panaginip.

Sa huli, isang tupa na dinala ng Anghel na si Gabriel ang inihandog matapos sabihin ng anghel na nakita ni Allah ang pananampalataya ni Ibrahim at natupad na ang kanyang panaginip.

Nagpapahayag din ito ng klimaks ng Hajj o Paglalakbay sa Mecca, isa sa limang haligi ng Islam.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *