Isinagawa ang One Million Trees Project na may temang Launching of Tree-Mendous Festival through the Reforestation Development Program: One Million Trees Project na idinaos sa Barangay Paraiso, Alabel, Sarangani Province nito lamang ika-16 ng Hunyo 2024.
Ito ay pinangunahan ni Gobernador ng Sarangani Province na si Hon. Ruel D Pacquiao na aktibong nilahukan ng mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office at mga Advocacy Support Groups.

Ang aktibidad ay nakatuon sa pagtatanim ng mga endemic, endangered at fruit bearing trees sa watersheds, riverbanks, coastal zones at iba pang vulnerable areas ng lalawigan.