Balabagan, Lanao del Sur- Patay ang isang barangay chairman matapos manlaban sa isinagawang gun buy-bust operation ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR) sa isang gasolinahan sa Balabagan, Lanao del Sur nito lamang Linggo, Hunyo 23, 2024.
Kinilala ang nasawi na si Billy Jack Ogca, Barangay Chairman ng Brgy. Poblacion, Balabagan.
Napag-alaman na mahigit isang buwan na under surveillance ang grupo ni Ogca bago isinagawa ang operasyon kaugnay sa pagbebenta ng mga ilegal na armas.
Nanlaban umano ang grupo ni Ogca nang malaman na pulis ang kanilang ka-transaksyon at tinamaan si Ogca sa kanyang katawan at idineklarang dead-on-arrival.
Narekober sa crime scene ang Toyota pick-up kulay puti, anim na armas, kabilang ang M14 rifle, M16 rifle, M4 rifle, baby armalite rifle, dalawang caliber .45 pistols, mga magazines, at mga bala.
Patuloy pa rin ang tinutugis ng CIDG-BAR ang apat na nakatakas na kasamahan ni Ogca na sangkot sa bentahan ng ilegal na armas.