Opisyal nang sinimulan ang pagdiriwang ng kauna-unahang Micro Small and Medium Enterprises (MSME) Week ng Gold Capital of the Philippines, Davao de Oro nito lamang ika-15 ng Hulyo, 2024.

Ang Ceremonial Opening ay pinangunahan naman ng The Department of Trade and Industry (DTI) kung saan ay binigyang-diin ni Davao de Oro Governor Hon. Dorothy M. Gonzaga sa pamamagitan ng kanyang representante na si Provincial Administrator Lewis Jake Caiman ang kanyang pangako na suportahan ang mas malawakang mga pagsisikap na naglalayong palakasin ang pag-unlad ng ekonomiya at paglikha ng mga trabaho sa lalawigan.

Kasabay naman nito ay ipinakita na opisyal na logo ng “Ginto Dde Oro”, ang bagong tatak pangnegosyo ng lalawigan na sumasagisag sa Davao de Oro bilang kapital ng ginto ng bansa.

Matapos nito ay isinagawa naman ang pagpirma ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng DTI at ng mga OTOP Hub Annex Players, kasunod ang pagpapakilala ng iba’t ibang aktibidad tulad ng seminar, workshop, at business forum na naglalayong palakasin at bigyan ng kaalaman at kagamitan ang mga MSMEs para sa kanilang tagumpay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *